Filipino, Comedy | Release Date: October 26, 2011 (Philippines)
Director: Wenn V. Deramas
Starring: Vice Ganda, Jimmy Santos, Eddie Garcia, Derek Ramsay, Nikki Valdez, Kean Cipriano, DJ Durano, Vandolph Quizon, Carlos Agassi, Dennis Padilla
Isa itong komedya tungkol sa isang bakla na nagkunwaring lalaki upang gampanan ang pagiging sundalo. Like La Pacita Assorted Biscuits na kadalasang hinahanda sa mga lamay, Praybeyt Benjamin is an assortment. It's a mix of Mulan (yung chekwang cartoon character), Private Benjamin (Goldie Hawn), Mary Poppins, and a Maricel Soriano or Roderick Paulate comedy.
Vice Ganda plays Benjamin "Benjie" Santos VIII. Ang mga Benjamin ng Santos clan ay traditionally nagiging mga sundalo, matipuno, lalaking-lalaki.
KAPOW!
Suntok ang inabot ni Benjie ng malaman ni lolo (Eddie Garcia) na binabae pala ang apo nya. Ayun, itinakwil ang buong pamilya niya. When a terrorist group took the entire country hostage, napilitan ang army mag-recruit. Nagpalista si Benjie para akuin ang posisyon ng tumatandang ama (Jimmy Santos), at dahil na rin gusto nyang sagipin ang lolo niya who was taken hostage by the terrorists. Sa camp, na-inlab siya kay Brandon (Derek Ramsay), at tuluyan nang nagladlad ng tunay na katauhan. Naging lider din sa camp si Benjie ng isang maliit na grupo ng mga losers turned national heroes, sa tulong na rin ng kanyang kabaklaan at mga gadget ng scientist na tatay.
"Ay kabayo!"
"Brownout?" tanong ni kapatid.
"Hindi, sunrise."
Sarcasm and competent support actors, 'yan ang kargang bala ng pelikulang 'to. Si Jimmy Santos bilang ama ni Benjie, si Abby Bautista na gumanap na batang kapatid ay ilan lang sa mga tumatak sa ating lahat.
"Pag bakla, salot agad?"
"Hindi ba pwedeng malas muna?" sambit ng batang matabil.
May mga bentang scenes din, tulad nung pagkikita nina Benjie at ang kanyang pamilya for the first time mula ng mag-training siya sa pagsusundalo. Ang setting: merong glass window sa pagitan ng dalawang kwarto -- nasa magkabilang silid si Benjie at kanyang pamilya; nag-emote sina Benjie at mga magulang nito through the glass; damang-dama mong nasasaktan sila sa partition na namamagitan sa kanila; nag-iyakan, pilit nilang maging kontento na lamang na hanggang hawak sa malamig na salamin na lang ang magagawa nila... At nang biglang nagbukas ng pintuan sa side ang kapatid na babae ni Benjie.
Mapapamura ka habang tumatawa. T@%* i*a! May pintuan pala!
The 1 hour and 50mins Praybeyt Benjamin had good moments, but it lacked focus. The story was all over the place, ang script ay hindi ganun kalalim. But it worked OK dahil sa delivery ng actors. There were hopeless antics, but Vice Ganda made it look promising. Let's face it, kung hindi si Vice Ganda ang bida, malamang flop ang movie. Nobody could deliver those lines like he did. May cameo pang lumabas sa dulo na mage-gets lang if you’ve seen the film it was referring to.
Masarap talagang manood kung sinasabayan ka din ng crowd sa emosyon mo -- anlulutong ng halakhak ng mga kasabayan kong nanood sa sinehan. Sumakit ang ulo at tyan ko sa kakatawa sa pelikulang ito. At mukhang hindi lang ako, because Praybeyt Benjamin is now the Highest Grossing Filipino Film of all time, and is also the first Filipino movie that reached Php300 million mark.
RATING: 6/10 (pero mamamatay ka sa kakatawa)